Binigyan ng pagkilala si Ginoong Arshie Larga dahil sa kanyang pagka hirang bilang “POPULAR CREATOR OF THE YEAR” na iginawad ng Tiktok Philippines sa katatapos lamang na “2022 Tiktok Awards Philippines”.

Binigyan rin ng pagkilala ng Sangguniang Panlalawigan (SP) si G. Arshie O. Larga na naunang hinirang bilang “POPULAR CREATOR OF THE YEAR” na iginawad ng Tiktok Philippines sa katatapos lamang na “2022 Tiktok Awards Philippines”.

Si Arshie, isang taal na taga Barangay Santol, Boac, Marinduque, nagtapos ng kursong BS Pharmacy sa Centro Escolar University at ngayon ay isa ng lisensyadong Pharmacist at tumutulong sa pagpapatakbo angbotika ng pamilya na nasa tapat lamang ng Marinduque Provincial Hospital. Bilang Pharmacist ibinabahagi niya ang kanyang kaalaman sa mgamedisina o gamot at sinasagot ang mga katanungan ng kanyang followers na sa kasalukuyan ay umabot na ng mahigit na 3 milyon. Ang kanyang kinikita at mga donasyon sa pagtiktok ay kanya namang ibinabahagi sa mga kapus-palad na kababayan sa Marinduque.

Ang pagkilala sa naturang tiktoker ay sa pamamagitan ng isang resolusyon na magkasamang itinaguyod nina Kagalang-galang na Bise Gobernador at Tagapangulo Adeline M. Angeles at Kagalang-galang na Bokal Bernadine E. Opis-Mercado, na may pamagat na RESOLUTION CONGRATULATING MR. ARSHIE LARGA OF BOAC, MARINDUQUE FOR BEING AWARDED AS THE “POPULAR CREATOR OF THE YEAR” IN THE RECENTLY HELD 2022 TIKTOK AWARDS PHILIPPINES AND EXPRESSING THE GRATITUDE OF THE PROVINCIAL GOVERNMENT FOR BEING ITS PARTNER IN PROVIDING EDUCATIONAL INFORMATION TO THE PEOPLE OF MARINDUQUE. (by AngieAbarquez/SPSecretariat)

 

Share on Social Media