RUEL C. HADAP
PGM PRESBY w/ LAV Barrower
Barangay Butansapa, Mogpog
Poultry Raising

Si Ruel Hadap ay isa sa ating mga Borrowers ng PGM PRESBY w/ LAV mula sa Barangay Butansapa, Mogpog. Ang kanyang negosyo ay pag-aalaga ng 45 days na sisiw. Isang OFW si Ruel at umuwi noong nakaraang February 2019 dahil sa pandemya. Sa kasalukuyan hindi pa siya muling nakakabalik sa pangingibang bansa. Naging magandang opurtunidad ang programang PGM PRESBY w/ LAV upang magkaroon siya ng dagdag puhunan para maipagpatuloy ang kanilang poultry business.

Ang limang libong piso na pahiram ay nagamit niya sa pagbili ng feeds at day old na mga sisiw.

Aniya “Dati ang libangan ko lamang ay mag linis linis dito sa paligid ng bahay naming, subalit sinabihan ako ni Jade (isa sa mga myembro) tungkol sa programang ito. Dati ang plano ko lamang talaga ay mag-aalaga ng native na manok. Pero nung nabalitaan ko na mas mabilis ang kita sa 45 days, yun na ang inumpisahan ko.”

Sa kasalukuyan ay patuloy na pinaiikot niya ang kanyang puhunan sa pag-aalaga ng broilers na pang 45 days. Ayon sa kanya kapag maarami silang mga alaga ay nakakarating hanggang sa bayan ng Boac ang kanilang pagbebenta at may mga regular na suki na din sila sa kanilang barangay.

Sa ngayon ay nakapagpasa na si Ruel ng Renewal ng Application sa halagang sampung libong piso (Php10, 000.00). Naging updated at kadalasan ay advance pa ang kanyang pagbabayad ng buwang hulog kaya natapos agad ni Ruel ang kanyang loan dahil maalwan naman di umano ang pag babayad maging ang maliit na interes.

MARLET L. JUSAYAN

PGM PRESBY W/LAV Coordinator/

Writer/Contributor

Share on Social Media