Destroyed road at the town of Mogpog

Idineklara ng Panlalawigang Pamahalaan ng Marinduque na isailalim sa state of calamity ang buong lalawigan ng Marinduque dahil sa pinsala ng humagupit ng bagyong Paeng noong nakaraang Oktubre 28-30, 2

Pinagtibay ng sanggunian noong ika-4 ng Nobyembre taong kasalukuyan ang RESOLUTION DECLARING THE ENTIRE PROVINCE OF MARINDUQUE UNDER A STATE OF CALAMITY DUE TO SEVERE TROPICAL STORM “PAENG” at ito ay agad namang inaprubahan ng punong lalawigan, Governor Presbitero J. Velasco, Jr.

Ang naturang deklarasyon ay base na rin sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, sa kanilang Resolution No. 2022-12, kasunod ng pagdeklara ng apat (4) na munisipyo, Buenavista, Gasan, Mogpog at Sta. Cruz na sila ay under state of calamity at sa inisyal na Damage Assessment and Needs Analysis Report ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na nasa 20,754 na pamilya, 73,610 na indibidwal, 15 porsyento ng kabuuhang populasyon ng lalawigan ang apektado, tinatayang P90,489,905.53 ang pinsala sa agrikultura at pinsala sa inprastruktura na kasalukuyang pang sumasailalim sa pagtatasa ng inaprubahan ang nabanggit na resolusyon.

Minabuti rin ang Sangguniang Panlalawigan na isailalim sa state of calamity ang buong lalawigan sa paniniwalang mas epektibong matutugunan ang pangangailangan upang maibalik at maisaayos ang  pamumuhay ng mga apektadong pamilya, ang mga kabuhayang pang-agrikultura at turismo, inprastructura at mga pasilidad sa lalawigan. – Angie Abarquez SP-Secretariat

Share on Social Media