Pinangunahan ng Provincial Nutrition Office ang pamamahagi ng food packs sa may 50 senior citizen sa bayan ng Mogpog. (Larawan mula kay Bokal Bernadine Opis)

MOGPOG, Marinduque (PIA) — Kasabay ng pagdiriwang ng ‘Buwan ng Nutrisyon’, namahagi ng food packs sa 50 senior citizen ang Provincial Nutrition Office (PNO), kamakailan.

Ayon kay Dr. Robie Apiag, provincial nutritionist, layon ng programa na tuluy-tuloy na maibigay sa mga benepisyaryong matatanda ang kanilang mga pangunahing pangangailangan kagaya ng pagkain.

“Patuloy tayong nagbibigay ng ganitong ayuda sapagkat prayoridad ng ating gobernador na alalayan at tulungan ang mga indigent senior citizens”, ani Apiag.

Laman ng nasabing food assistance ang isang pack ng powered milk, biscuit, yogurt at oatmel.

Samantala, nakatakda namang magbigay ang Tanggapan ng Panlalawigang Nutrisyon sa iba pang mga senior citizen sa limang bayan sa mga susunod na araw. (RAMJR/PIA MIMAROPA)

Share on Social Media