Kamakailan ay pinangunahan ni Governor Presby Velasco kasama si Speaker Lord Allan Velasco, DOST Sec. Fortunato de la Peña at MSC President Diosdado Zulueta ang pagpapasinaya ng kauna-unahang Science Centrum sa MIMAROPA Region.

Ang Science Centrum ay magsisilbing karagdagan sa ipagmamalaki ng lalawigan at isa rin sa mga dadayuhin ng mga turista sa kanilang pagbisita. Malaki ang maitutulong ng Science Centrum na ito sa pagtataguyod ng mga kursong nauugnay sa Agham at Teknolohiya. Ang paglalantad sa mga kabataan sa mga interactive na exhibit ay magpupukaw sa kanilang kuryusidad at imahinasyon.

Nagpapasalamat po ang provincial government kay Speaker Lord Allan Velasco sa paglalaan ng pondo upang maisakatuparan ang proyektong ito katuwang ang DOST.

Ang Provincial Government sa pamumuno ng inyong lingkod Gov. Presby Velasco ay patuloy na magbibigay ng suporta sa mga proyekto na lubos na makatutulong sa pagpapaunlad ng kaalaman ng ating mga kabataan.

Share on Social Media