EMELINDA MENDOZA
PGM PRESBY w/ LAV Borrower
Argao, Mogpog
Pananahi

Si Ginang Emelinda Mendoza ng Argao, Mogpog ay kabilang sa mga PGM PRESBY w/ LAV na nakatanggap ng dagdag puhunan na nagkakahalaga ng Limang Libong Piso (Php5, 000.00) noong nakaraang Mayo 29, 2021. Isang mananahi si Ginang Emelinda at nang mag simula ang pandemya ay mas marami siyang panahon sa pananahi.

“Ang pananahi po talaga ang aking pinagkaabalahan noong kasagsagan ng pandemic. Ang anak ko po sa Quatar na siyang inaasahan ko ay naka lockdown noon. Nakakatuwa nga po na kahit lockdown ay madami pa din na nagapatahi.”

Ayon sa kanya dati ay per order lamang ang kaya niyang tahiin at pinaiikot lamang ang konting puhunan, ngunit ng matanggap na niya ang loan ay nakabili sya ng karagdagang tela na nagsilbi nyang reserba para sa iba pang tahiin. Nadagdagan din ng unan at mga duster ang kanyang mga tinatahi na dati ay mga kurtina, bed sheets o punda lamang. Kapag madami ang orders ay kaagapay nya sa pananahi ang kanyang asawa na meron ding kaalaman sa pananahi.

“Para po sa akin, yung aking first loan ay sapat na, pero kung sakaling dumating ang panahon na magkaroon na ako ng karagdagang customer, gusto ko po na makapag renew para sa karagdagang puhunan”.   

“Sabi ko ngani po, kung noong una pa sana dumating yang programa na yan ay nag avail na sana ako dahil nung una ay naga gawa lamang ako ng basahan pero natigil dahil sa kulang ang puhunan”.

MARLET L. JUSAYAN

PGM PRESBY W/LAV Coordinator/

Writer/Contributor

Share on Social Media