Gov. Velasco hinimok ang mga magniniyog na magparehistro sa PCA

Sa isinagawang pagpupulong kasama ang mga magniniyog sa bayan ng Mogpog, inilatag ni Gov. Presbitero Velasco, Jr. ang mga benepisyong naghihintay sa kanila. Ilan aniya ay ang scholarship program, medical assistance, crop insurance at kagamitang makatutulong sa pagpapalaki ng pananim tulad ng apat na sakong fertilizer na asin, at 7 sako ng ammonium sulfate at potassium chloride kada ektarya.