Kinilala ang 18 Civil Service Organizations ng 16th Sangguniang Panlalawigan (SP) noong ika- 31 ng Agosto.

Alinsunod sa probisyong itinadhana ng Local Government Code of 1991 at sa Memorandum Circular No. 2022-083 na ipinabas ng Department of the Interior and Local Governement (DILG), labing walong (18) Civil Society Organizations (CSOs) ang inakredit ng 16th Sangguniang Panlalawigan (SP) noong ika- 31 ng Agosto taong kasalukuyan.  Sa 30 CSOs na tumugon sa sa panawagan/Notice/liham na inisyu ng Pangalawang Punong Lalawigan, Kgg. Adeline M. Angeles, noong ika-1 ng Agosto, upang dumalo sa isinagawang CSO conference, 19 dito ang nagsumite ng mga kinakailangan mga dokumento para sa akreditasyon.

Sa pangunguna ng Committee on CSOs na pinamumunuan ni Kagalang-galang na Bokal Mercedes R. Rejano, nagsagawa ng ebalwasyon ang SP base sa walong (8) dokumentong isinumite ng iba’t ibang samahan sa lalawigan, at sa apat (4) na hanay ng pamantayang itinakda ng  Kodigo Local at alituntunin ng DILG. Ang mga nakwalipay at naging akreditadong CSO ng pamahalaang panlalawigan ng Marinduque, gayundin napabilang sa nominasyon ng mga magiging kinatawan sa mga Local Special Bodies ng pamahalaang panlalawigan, tulad ng Local Development Council, Local Health Board, Local School Board at Local Peace and Order Council ay ang mga sumusunod:

  1. Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC)
  2. Binded Buenavista-Balanacan Bound Carriers Transport Cooperative
  3. Luzon Datum Transport Service Cooperative
  4. MR Multi-Purpose Cooperative
  5. Tanod Bayan Kontra Krimen (TABAKK) Guardians Brotherhood Inc.
  6. Cawit Butterfly Breeders Village
  7. Marinduque Social Action Multi-Purpose Cooperative (MASAMCO)
  8. KABALIKAT Civicom 475 – Marinduque Chapter
  9. National Chaplains of the Philippines – Marinduque Chapter
  10. Alpha Phi Omega Marinduquenong Nagkakaisa Sa Diwa, Isip At Nasa (APO MANDIN)
  11. MARINDUCARE Foundation, Inc.
  12. Marinduque Union of Cooperatives
  13. Marinduque Diocesan Devevelopment Cooperative
  14. REACT Philippines, Inc. – Moriones Group
  15. Marinduque Tourism Association, Inc.
  16. Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) – Marinduque Chapter
  17. Marinduque Guardians Brotherhood, Inc.
  18. I Rise and Advocate for Marinduque Province, Inc.

 

At noong ika-9 ng Setyembre 2022 sa ika- pangkaraniwang pulong ng SP pormal ng iniabot sa mga nabanggit na CSO ang kani-kanilang Certificate of Accreditation. (by AngieAbarquez/SPSecretariat)

 

Share on Social Media