Kinilala ng Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ni Bokal Jojo Leva ang pagkilala sa mga guronong Marinduqueno sa pamamagitan ng resolusyon na naglalayong bigyan ng pagkilala at iangat ang propesyon ng pagtuturo sa buong lalawigan ng Marinduque.

BOAC, Marinduque – Bilang pakikiisa ng 16th Sangguniang Panlalawigan (SP) sa pagdiriwang ng National Teachers Month, pinagtibay ng buong Kapulungan noong ika-30 ng Setyembre taong kasalukuyan ang “RESOLUTION HONORING AND COMMENDING THE MARINDUQUEÑO TEACHERS FOR THEIR HARD WORK AND COMMITMENT IN SHAPING THE LEARNERS OF ALL GENERATIONS, AS WELL AS TO RECOGNIZE THE CONTRIBUTIONS OF THE PRIVATE, ACADEMIC, AND GOVERNMENT SECTORS IN UPLIFTING THE TEACHING PROFESSION THROUGH THE NATIONAL TEACHER’S MONTH (NTM) WHICH RECOGNIZES THE FILIPINO TEACHERS AND THEIR INDISPENSABLE ROLE IN INCLUSIVE AND SUSTAINABLE DEVELOPMENT” na inakda ni Bokal Aurelio “Jojo” Leva III.

Ang resolusyon ay naglalayong bigyan ng pagkilala at iangat ang propesyon ng pagtuturo sa buong lalawigan ng Marinduque, bigyan ng pagpapahalaga ang sakripisyo ng mga guro, tiyaga na maitaguyod na matuto ang bawat isang mag-aaral at pagpupugay sa walang sawang pagsusumikap na maitawid ang pagsubok sa makabagong panahon ng  pagtuturo at makapagbahagi ng mahusay na edukasyon sa mga batang Marinduqueño.

Kaugnay sa nabanggit na resolusyon, nagpalabas din ang 16th SP ng CERTIFICATE OF RECOGNITION na iginawad sa mga guro sa lalawigan ng Marinduque, para sa kanilang kasipagan, katapatan at dedikasyon sa paghubog sa mga mag-aaral.  Ang naturang certificate ay napagpasiyahan ng sanggunian na ihatid sa mga  paaralan at ito ay personal nilang  inabot sa mga guro.

Samantala, nauna ng iginawad ang pagkilala sa pamunuan ng Kagawarang ng Edukasyon sa Marinduque sa pangunguna nina Dr. Elsie T. Barrios – Schools Division Superintendent, Dr. Felix M. Famaran – Assistant Schools Division Superintendent, Mrs. Constantia R. Vasco – Sta. Cruz North District Supervisor, Mr. Warlito P. Constantino – Sta. Cruz South District Supervisor, Dr. Maria Lourdes P. Ricohermoso – Sta. Cruz East District Supervisor, Ms. Aurea L. Mazo – Boac North District Supervisor, Mr. Pablito L. Alcober – Boac South District Supervisor, Ms. Myra R. Labay – Buenavista District Supervisor, Dr. Elvin C. Perlas  – Gasan District Supervisor, Dr. Josephine G. Marciano – Mogpog District Supervisor at Dr. Jay P. Pena – Torrijos District Supervisor, sa ika-12 pangkaraniwang pulong ng 16th Sangguniang Panlalawigan noong Oktubre 7 taong kasalukuyan kung saan sila ay naimbitahan.  –  Angie Abarquez

Share on Social Media