Magandang Araw po, mga kababayan.

Kahapon po ay nagkaroon ng exit conference ang inyong gobernador kasama ang mga kinatawan ng Local Water Utilities Administration (LWUA) upang magbigay ng kanilang final report ukol sa ginawang validation ng potential water sources sa ating lalawigan.

Nagbigay rin po sila ng komento at mga suhestiyon sa mga napuntahan nilang lugar para sa ating Marinduque Water Supply Project.

Ipinaabot po natin ang lubos na pasasalamat sa mga kinatawan ng LWUA sa pamumuno ni Admin Jeci Lapus sa kanilang masigasig at aktibong pagtugon upang matulungan tayong magkaroon ng maayos na pagkukunan ng tubig.

#MarinduqueWaterSystem

#PresbyWithYou