Kamakailan ay isinagawa po natin ang isang Commemorative Program bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-101 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Marinduque. Ipinagbunyi po natin ang pagtatapos ng 100 taon at ito na rin po ang pagsisimula ng pagbangon ng Marinduque mula sa pinsala ng COVID-19 at mga kalamidad na naranasan natin noong nakaraang taon.

Ngunit kahit may pandemya ay hindi po natin pinabayaan ang mga proyekto na napaka- importante sa pag-unlad ng Marinduque.

Nag-umpisa na ang paggawa ng MARINDUQUE WATER SUPPLY PROJECT. Nabigyan tayo ng 433 million ni Speaker Lord Allan Velasco para sa water project sa 2021.

Nabigyan din po tayo ni Speaker Velasco ng 200 million para sa EXPANSION ng GASAN AIRPORT na gagawing Regional Airport para sa foreign tourists.

Ang mga INFRASTRUCTURE PROJECTS na may halagang 3.2 billion ay gagawin sa 2021. Ang BALOGO INTERNATIONAL PORT po ay hinahanapan na ng budget na nagkakahalagang 1.4 billion.

Ang MARINDUQUE ECONOMIC ZONE (MAREZ) ay nakaporma na para sa mga foreign investors na siguradong makapagbibigay ng maraming trabaho at negosyo sa mga Marinduqueño.

Ang mga TOURISM PROJECTS ay tuloy-tuloy po sa pag-develop at improvement.Ang MEGA BRIDGE PROJECT po ay nasa ilalim na po ng masusing pag-aaral at pag-aayos ng design.

Ang LOAN ASSISTANCE VENTURE o LAV loans ay patuloy ang pagbigay sa ating mga kababayan para maka-recover agad mula sa COVID-19.

Sa tulong din po ni Speaker Lord Allan Velasco, NAIAYOS na po ang ating KURYENTE dahil sa pagkuha ng 4 Megawatts na Genset, nag-repair din po ng Boac-Torrijos Transmission Line at ang 69kv line ay nagkaroon na tayo na sobra na 4MW at halos wala nang brownout. Kapag dumating pa ang 3 MW Genset ay tuluyang mawawala ang brownout.

Ang talagang stratehiya ay paglalagay ng Submarine cable mula sa Marinduque papuntang Luzon Grid.

Uumpisahan na rin ang pagpapatayo ng MOLECULAR LABORATORY sa Marinduque Provincial Hospital kung saan magiging malaking tulong po ito sa atin sapagkat mas mapapadali at mapapabilis po ang pagproseso ng mga test dahil hindi na po natin kelangan pang ipadala sa RITM Alabang, Muntinlupa ang mga specimen ng mga pasyente.

Nagpapasalamat po tayo sa Ayala Foundation at DOH. Ginagawa po natin ang lahat upang makapag-hire ng mga doctor para sa ating mga ospital. Yoon pong sa CT Scan ay hinihintay na natin na magkaroon ng lisensya, kinausap na rin po natin ang DOH para mapabilis ito.

Hindi po titigil ang inyong Gobernador hanggat di maaayos ang mga ospital. Marami pang proyekto ang isinasagawa nang mabuti sa 2021. Asahan po ninyo na kahit may pandemya at nakaranas tayo ng mga kalamidad ay hindi tumitigil ang Provincial Government para mabilis na umunlad ang mahal nating Marinduque. Maraming Salamat po! #PresbyWithYou