Naimbitahan din po ang inyong gobernador bilang Guest of Honor and Speaker sa idinaos na 30th PNP Foundation Day Celebration na may paksang “PNP@30: Kakampi Mo Laban sa Pandemya, Iligal na Droga, Kurapsyon at Terorismo.”

Sa mensahe po na aking ipinarating binigyang diin ko po ang mga naging kontribusyon ng ating magigiting na kapulisan. Naideklara po ang ating probinsiya bilang Insurgency Free, Drug Cleared Province at ikalawa rin sa pinakaligtas na lugar sa buong bansa. Nakamit po natin ito sa pamamagitan ng serbisyo, dedikasyon at sakripisyo ng ating Marinduque Police.

Iginawad din po ng inyong lingkod kasama si PCOL Wilson Santos VI ang Commendation/Recognition sa mga deserving PNP Units at isinagawa rin ang Ceremonial Turn-over of Certificate of Land Title (Camp Maximo Abad).

Ipinahayag din po natin ang buong suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ng inyong lingkod sa Marinduque Police.

Congratulations and Mabuhay, MPPO!

(images:Marinduque PPO)