Kamakailan ay isinagawa din po ang kauna-unahang Marinduque Tourism-Related Industry Conference (TRICON). Kung saan nagbigay ng mensahe ang inyong lingkod hinggil sa paksang: “Reviving Tourism at the Heart of the Philippines amid the COVID-19 Pandemic.”

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Provincial Tourism Development Council (PTDC). Kasama sa buong araw na pagtalakay via Zoom ang mga tourism players tulad ng LGUs, accredited hotel at resort owners, mga pangunahing destinasyon at iba pa.

Naging bahagi rin po ng talakayan sina Engr. Christopher Morales, RD ng DOT MIMAROPA, Dr. Rachel Rowena Garcia, Provincial DOH Officer, Dr. Gerry Caballes, PHO.

Isa po ang turismo sa mga industriyang higit na naapektuhan ng kasalukuyang pandemya. Ang mga kaukulang preparasyon na dapat isagawa ng tourism stakeholders bago pa mabuksan ang domestic tourism sa mga lokal na destinasyon ay masusing tinalakay sa kumperensya.

Ang mga itinalaga po natin sa katungkulan ng PDTC ay sina Susan Nace (Dream Favor Travel and Tours) bilang pangulo, Glynia Raza (Marinduque State College), bilang pangalawang-pangulo, Carmelita Rejano (Boac Hotel, MCCI), bilang ingat-yaman, Rafael Seno (Agrea), bilang kalihim at Gerry Jamilla (Provincial Tourism Officer) at Romeo A. Mataac, Jr. (Philippine Information Agency)